menu

Lyrics: Masdan Mo Ang Kapaligiran

Artist: Asin
Album: N/A
Song: Masdan Mo Ang Kapaligiran
Released: 2009
Rating: 47.2 out of 100Please log in to rate this song.
Masdan Mo Ang Kapaligiran lyrics
INTRO

Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim


Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman


REFRAIN 2
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan


AD LIB


Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan


REFRAIN 3
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan


Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan


REFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na


[Repeat REFRAIN 2]
Thanks to Wolf for these lyrics!

Sponsored Links

Tags on Masdan Mo Ang Kapaligiran

Login to add tags.

Popularity Masdan Mo Ang Kapaligiran

Jul
2023
Aug
2023
Sep
2023
Oct
2023
Nov
2023
Dec
2023
Jan
2024
Feb
2024
Mar
2024
Apr
2024
May
2024
Jun
2024

Review this song:



To make sure you're not an annoying spambot, please give the correct answer to this calculation:
an an an =

Reviews Masdan Mo Ang Kapaligiran...

No reviews yet! Be the first to make a contribution!
Moron.nl Guide

Still haven't found what you're looking for?