menu

Lyrics: The Bobo Song

Artist: Gloc 9
Album: Matrikula
Song: The Bobo Song
Released: 2009
Rating: no reliable rating yet...Please log in to rate this song.
The Bobo Song lyrics
Lahat ng nakikita ko
Lahat ng nakikita ko
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

Ang pinilakang tabing na sariling atin, natabunan
Ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
Walang palabas at mas madalas magpatalastas
Sa aming telebisyon bilang naisip ko ang aking
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
Ako ay Pilipino, sa isip at damdamin
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog
Pag malapit nang maluto ang sinaing
Huminahon ka itay, baka ka mabulunan
Sa laki ng binayad mo, wala 'kong natutunan
Ni kapiranggot mula ng unang baitang
Pumapasok lang ako para mangutang kay Ma'am
Ng pambili ng kanin, chicken adobo
Araw-araw ganito nakaka-bobo

Chorus:
Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo
Kahit naka pikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit naka pikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo
Kahit naka pikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit naka pikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

Pulitiko na nasa showbiz, posible na pala
Ang dami nang artista sa pulitika, tanga
Bobo, inutil, walang pinag-aralan
Hangal, hunghang sino bang pinagmanahan
Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata
Upang mapansin ka ng madla
Para masabi lang na in sa mga pormang petmalu
In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu
Mga chismis na nahuli na nang isang dekada
May pelikula ngayon kaya sila'y mag syota
Da who itong istarlet na sa banyo ay nadulas
'Wag na 'wag mong ililipat susunod na sa the buzz
1 2 3 teka lang, nauna me
Makakakita ka nang mga natapakan sa tv
Habang kinakain mo yung kanin, chiken adobo
Ayoko na ng ganito nakaka-bobo

Chorus

Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit'sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala, takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to, kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam

Kasi lahat ng nakita mo kala mo tama
Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga
Nakapangalumbaba, simula pa nung bata
'Di naman importanteng magpakadalubhasa
Ang sa akin lang naman ikaw ay maliwanagan
'Wag na wag mong gagawing dahilan ang kahirapan
Maniwala, pero wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya
Kaya palayain mo ang utak mo nakakulong
Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong
Kung ang pag-iisip, para sayo'y nakakangawit
Ibenta mo ang utak mo, kung hindi mo ginagamit
Wag kang magalit kung ang laman ng bao ay ampao
Pilipino lang ako pag nanalo si Pacquiao
Pag naririnig ko yung kanin, chicken adobo
Nakakaindak kahit nakaka-bobo

Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit'sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala, takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to, kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam

Bobo!

Sponsored Links

Tags on The Bobo Song

Login to add tags.

Popularity The Bobo Song

Jun
2023
Jul
2023
Aug
2023
Sep
2023
Oct
2023
Nov
2023
Dec
2023
Jan
2024
Feb
2024
Mar
2024
Apr
2024
May
2024

Review this song:



To make sure you're not an annoying spambot, please give the correct answer to this calculation:
an an an =

Reviews The Bobo Song

No reviews yet! Be the first to make a contribution!
Moron.nl Guide

Still haven't found what you're looking for?