menu

Lyrics: Kabit

Album: N/A
Song: Kabit
Released: 0000
Rating: 62.7 out of 100Please log in to rate this song.
Kabit lyrics
Kay sakit naman isipin na
Sa puso mo ako'y pangalawa
Sa tuwing makikita kitang kasama siya
Pinipikit ko ang aking mga mata

At sa gabing kasama mo siya
Halos hindi ako makahinga (ugh ugh)
Kayakap ko ang bote ng tequila
Nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa

Naghihintay hanggang sumapit ang umaga
Nang muli kang makasama

Ano ating lagay, hindi mapalagay
Ako'y nasasaktan 'pag hawak mo kanyang kamay
Sa kanya ka sa tanghali, akin ka sa gabi
'Pag dilat sa umaga, yo, wala ka na sa tabi

Merong kahati, gusto kita na mapasa'kin
Kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin
At lagi mong iisipin, kung hindi ka para sa 'kin
Huwag mo lang kakalimutin na ika'y mahal pa rin

CHORUS
Sa puso ko'y nag-iisa
Kahit mayroong iba
Kahit hindi tama ang ginagawa, sinta
Basta ba'y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya

At huwag nang mangamba
Kahit sabihin na kalimutan ka
'Di ko 'to makakaya
Basta ba'y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya

It really hurts ang magmahal nang ganito
Kung sino pang pinili ko, hindi makuha nang buo
Hanggang gano'n na lang nga, kailangan ko 'tong tanggapin
Na sa puso mo, mayro'n na ngang ibang umaangkin

At alam ko na rin na mayro'n nang nagmamay-ari
Sa pag-ibig sa iyo, ako itong nakikihati
At ano man ang mangyari, 'di ko kayang manumpa
At kahit pa ilihim mo ako sa lahat

Gaano man kabigat sa puso ko itong aminin
Hindi dadaing, huwag ka lang mawalay sa 'kin
Masakit man ang isipin na ako ang nanghiram
Kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam

At kahit hindi 'to tama, ako ay sumugal
Kahit na nga alam kong mayro'n kang ibang mahal
Binigay ko ang lahat kahit gan'to ang natamo
Sa pag-ibig ng iba, ngayon ako'y nakikisalo

[Repeat CHORUS]

Sa sitwasyon nating na 'to, 'di ko alam kung sa'n tutungo
Alam ko mahirap at mali pero mahirap din isuko
Pa'no ko masusuot singsing sa 'yo na dala
Kung sa paglalagyan nito, mayroon na palang nauna

No'ng nakilala mo ako, 'di ko binalak manggulo
Gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko
'Yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit
Kahit ang tawag lang sa akin ay 'di hamak na kabit

Oo nga, ika'y sa akin at ako'y sa iyo
At ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo
'Yan ay aking tinanggap para makasama ka lang
Pero sana huwag sabihin na "nakasama ka lang"

Pero sana rin, huwag tayong dumating pa diyan
Titisin ko ang lahat, kid, basta huwag lang 'yan
Kahit na alam ko mahirap 'tong tanggapin
Na mas nauna siya sa 'yo kesa sa 'kin, huh

[Repeat CHORUS]

Sponsored Links

Tags on Kabit

Login to add tags.

Popularity Kabit

Jun
2021
Jul
2021
Aug
2021
Sep
2021
Oct
2021
Nov
2021
Dec
2021
Jan
2022
Feb
2022
Mar
2022
Apr
2022
May
2022

Review this song:



To make sure you're not an annoying spambot, please give the correct answer to this calculation:
an an an =

Reviews Kabit

A total of 2 reviews for Kabit:
dummy Guest wrote on 18th Dec 2007, 12:36h:
hahay...hahaha...sa mga tao na tinamaan sa kanta 2ng..gudluck sa love..hahaha..jowk.. - but - piliin nyo ung pinakamahal nyo
0
0
Login to vote!
dummy Guest wrote on 11th Sep 2007, 5:36h:
law-ay lyrics kag title..nami ang tune..
0
0
Login to vote!
Moron.nl Guide

Still haven't found what you're looking for?